Bea Alonzo rumored girlfriend ni Dominic Roque

Bea Alonzo rumored girlfriend ni Dominic Roque

MATAPOS ang signing contract ni Bea Alonzo sa kanyang bagong  istasyon, kasunod naman nito ang pagbabakasyon ng aktres sa US bago sumabak sa bagong proyekto.

 

Sa isang Instagram post ni Bea noong martes ng gabi July 13 oras dito sa Pinas, nag post si Bea ng larawan kuha sa Malibu, Los Angeles, California na may caption na “cherries emoji”.

 

Una namang nag comment si Dominic ng “i*y” at face winking with kiss heart emoji, kung saan kinakiligan naman ito ng mga netizen dahil ang ibig sabihin daw ng comment ni Dominic ay “i love you”.

 

July 6 sabay dumating ang dalawa sa L.A at magkasamang nagbabakasyon ngayon ang  rumored couple  sa California, pero wala pang pag-amin sa kanilang real status.

 

Spotted naman ang dalawa ng ilang mga Pinoy fans kung saan nakipag-selfie pa sa kanila, ngunit sa kani-kanilang IG accounts, puro solo pictures lamang ang kanilang pinu-post sa mga lugar na kanilang parehong pinpasyalan sa California.

 

Umabot naman ng 4 thousand likes at 3 thousand comment at 8 thousand likes sa mismong comment ng actor sa loob lamang ng apat na oras matapos ang post ni Bea.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *