Bayanihan sa Lansangan
Metro

Bayanihan sa Lansangan, inilunsad ng MMDA at Quezon City Task Force on Traffic

PORMAL nang inilunsad ng Quezon City Task Force on Traffic and Transport Management at MMDA ang Bayanihan sa Lansangan na magbibigay ng dagdag bus para sa mga commuter ng Commonwealth.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni traffic manager ng QC na si Atty. Ariel Inton na sa nakalipas na tatlong araw na sinubukan ang proyekto at naging maganda ang resulta nito.

“Aba’y maganda po dahil mayroong 30 buses ang dinispatched ng MMDA didiretso na doon sa isang… doon sa ano sa Doña Carmen at doon magsasakay. Ito ay during rush hour lang ito no. So if you, if you do the math at 30 buses na times 50… naisakay po namin ay mga 1,500 passengers na dapat eh ‘yun mga naka.. Ika nga nakahalo sa mga mananakay diyan sa kalye,” ayon kay Inton.

Ayon pa kay Inton, maliban sa mga bus ay may 50 UV express din ang pina-originate nila sa Commonwealth para magsakay ng mga pasahero.

Nagbigay din aniya ng libreng sakay ang ilang mga indibwal na mayroon sariling mga sasakyan at ang ankas at mga hatchback.

Sa ilalim ng proyekto, ilang mga pampasaherong bus ang magsisimulang bumiyahe at magsakay ng pasahero sa Wilcon Depot sa Doña Carmen at patungong Ortigas hanggang Makati na may kaparehong pamasahe.

Una nang sinabi ni Inton na hirap makasakay ang mga commuter sa Commonwealth dahil sa Fairview pa lang ay punuan na ang mga bus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *