patungong Malacañang
National

Bayan Sec. Reyes, sasamahan si Panelo sa pag-commute patungong Malacañang

PLANONG samahan ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pag-commute nito patungong Malacañang bukas, araw ng Biyernes.

Ito ay matapos tanggapin ni Panelo ang hamon na gumamit ng public transport sa pagpunta sa Malacañang sa gitna na rin ng alegasyong may mass transportation crisis sa bansa.

Sa Twitter post ni Reyes, sinabi nito na nais niyang gamitin ang oras ng pagbiyahe kasama si Panelo para pag-usapan ang mga problema sa mass transport system.

Mahaba aniya ang pila sa LRT kaya maari nila itong gawing produktibo sa pamamagitan ng pag-uusap sa long-term solution.      

Binigyan-diin din ni Reyes na ang punto ng hamon ay hindi lamang para patunayan na nakakarating pa sa pupuntahan ang mga pasahero, kundi ipaintindi sa matataas na opisyal ang hirap na nararanasan ng mga commuter araw-araw at makagawa ng epektibong solusyon sa problema.

Unang nang tinawag na “silly challenge” ni Panelo ang hamon ng Kilusang Mayo Uno na mag-commute papunta sa trabaho pero kalaunan ay tinanggap din nito ang hamon.

Sinabi ni Panelo na sasakay siya ng jeep at LRT patungo sa Palasyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *