Regional

Bayan ng Piagapo isinailalim sa state of calamity matapos ang bakbakan ng militar at Maute group


Isinailalim sa state of calamity ang Bayan ng Piagapo sa Lanao del Sur dahil sa patuloy na opensiba ng militar laban sa Maute group.
Ayon kay Piagapo Mayor Ali Sumdanar, nasa 416 na pamilya o 1,828 katao ang lumikas mula sa apat na barangay dahil sa bakbakan.
Nagsimula umano ang opensiba ng militar nitong Sabado.
Labinlimang miyembro ng Maute ang napatay umano sa magkakasunod na bakbakan pero bineberipika pa ng militar ang impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *