Bayan ng Infanta, nalubog na sa baha dahil sa Bagyong Ulysses

Bayan ng Infanta, nalubog na sa baha dahil sa Bagyong Ulysses

LUBOG na sa baha ang bayan ng Infanta, Quezon, dulot ng sunud-sunod na pag-uulan na dala ng Bagyong Ulysses.

Alas sais ng umaga nang magsimulang tumaas ang tubig baha sa bayan kaya naman agad na inabisuhan ng Infanta LGU ang lahat na magsilikas na.

Ayon sa ilang residente, hindi nila aakalain na babahain ang kanilang lugar bukod sa nararanasang pag-uulan at malakas na bayo ng hangin.

Dahil sa lakas ng hangin na sinabayan ng pag-uulan, may ilang poste na rin na nagsipagtumbahan at humambala sa daan, nakapagpasikip ng daanan.

Nagkandatuklapan din ang ilang mga bahay na yari sa light materials.

Sa kabila ng abiso ng mga otoridad para lumikas, hindi pa rin magawa ng iba na lisanin ang lugar dahil sa mga ari-arian.

Samantala, ilang kabahayan din ang nasira sa paghagupit ng Bagyong Ulysses sa Polilio Island ito’y matapos na nag-landfall ang bagyo sa Patnungan Island sa probinsiya ng Quezon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *