taas-presyo
Business

Bawas presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad

NAGPATUPAD ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang 6:00 ng umaga, may rollback na P1.10 sa kada litro ng diesel at P0.50 naman sa kada litro ng gasolina ang Shell at Petro Gazz.

Ganito rin ang presyo na nauna nang ipinatupad ng Phoenix Petroleum, Seaoil at CleanFuel.

Nagpatupad din ng bawas presyo na P1.10 sa kada litro ng diesel at P0.55 naman sa kada litro ng gasolina ang Caltex.

May bawas din na P1.30 sa kada litro ng kerosene ang Shell, Petro Gazz at Caltex

Ang naturang oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *