ng Philippine Coast Guard
National

Batas na layong magtatag ng Philippine Coast Guard Hospital, pirmado na

APRUBADO ni Pang. Rodrigo Duterte ang isang panukalang batas na nais magtatag ng ospital para sa mga personnel, empleyado at kanilang mga dependents at retired uniform personal ng Philippine Coast Guard.

Ito ay base sa nilagdaang Republic Act No 11372 ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakasaad na itatayo ang philippine coast guard hospital sa coast guard base sa taguig.

Nais ng batas na mabigyan ng total health care services ang mga taga PCG at magapagsagawa ng medical examination sa lahat ng trainees para tiyaking ang kanilang physical at mental capability.

Magkakaroon ng board of directors na siyang mangangasiwa sa nasabing ospital.

Ang commandant ng PCG ang uupong chairperson, vice chairperson ang deputy commandant, habang mga miyembro mula sa Philippine Coad Guard Medical Service, ang nurse corps, at legal service.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *