Bataan Nuclear Power Plant, maaari pa ring mag-operate

Bataan Nuclear Power Plant, maaari pa ring mag-operate

MAAARI pa ring makapag-operate ang natenggang Bataan Nuclear Power Plant ayon sa inihayag ng Philippine Nuclear Research Institute.

Nilinaw ni PNRI Director Carlo Arcilla, na mali ang sinasabi ng iba na sira na ang naturang planta dahil mahigit sa tatlong dekada na itong nakatayo at hindi man lang nagamit.

Ipinaliwanag ni Arcilla na ligtas ang Bataan Nuclear Power Plant dahil mas bata ito ng 60% kumpara sa 98 nuclear plants sa Amerika.

Kaugnay naman sa kung ligtas ito, matapos ikumpara sa nangyari sa Chernobyl, sinabi ni Arcilla na iba ang disenyo ng BNPP dahil ang disenyo ng Chernobyl ay tinatawag na soviet design.

Ang BNPP aniya ay Western design kung saan may takip ito na tinatawag na containment structure na siyang wala sa disenyo ng Chernobyl.

Dagdag pa ni Arcilla, ang Bataan Nuclear Plant ay kapareho ang disenyo sa tatlong power facilities na matatagpuan sa South Korea, Slovenia at Brazil.

Nuclear power plant, mas mura kumpara sa coal plants

MAS malaki ang matitipid sa paggamit ng nuclear power plant kumpara sa mga coal plant.

Ito ang inihayag ni Philippine Nuclear Research Institute Director Carlo Arcilla.

Ani Arcilla, sa loob ng 18 buwan, ang nuclear power plant ay kumukonsumo ng langis sa halagang $US 20-M, habang ang coal plant ay kailangan ng 50 barko ng 50,000 toneladang coal o karbon na nagkakahalaga ng $US 600-M.

Bukod sa murang production cost, mas malinis din ang nuclear power plant dahil wala itong ibinubugang emissions.

Kamakailan lang ay ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng public consultation para sa muling pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant.

Matatandaan na itinayo ang BNPP noong 1970s ngunit hindi na ito nakapag-operate pa dahil pinangangambahan ang kalapitan nito sa Mt. Natib, na isang hindi aktibong bulkan.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *