Bataan Nuclear Power Plant, hindi totoong wala nang laman

Bataan Nuclear Power Plant, hindi totoong wala nang laman

HINDI totoong wala nang laman ang Bataan Nuclear Power Plant o BNPP at kung maging operational, hanggang 80 taon makikinabang ang buong lugar.

Ito ang inihayag ni former Congressman Mark Cojuangco sa panayam ng SMNI.

Ang nawala lang aniya ay ang nasa isang bodega na naglalaman ng construction materials.

“Ang nawala po doon sa site ng planta noong araw ay ‘yung pagbenta ng laman ng isang bodega na may laman ng construction materials,” pahayag ni Cojuangco.

Tiniyak pa ni Cojuangco na well- maintained ng National Power Corporation o Napocor ang pasilidad sa loob ng Bataan Nuclear Power  at matibay ang pagkagawa ng building nito.

“Maganda po ang pagka-maintain niya. Yung mga tubo, ‘yung mga aanan kinargahan ‘yan ng inerting agent. Sa steam generator kinargahan po nila ng hydrogen, mga pumipigil na magkaroon ng corrosion,” aniya pa.

Para naman kay Cojuangco, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na konsultahin muna ang mga taga- Bataan, kung papayagan ng mga residente na buksan ang Bataan Nuclear Power Plant, makikinabang ang lugar dito ng halos 80 taon.

“Ngayon kung madesisyunan ng taga-Morong o taga-Bataan na gusto nilang paandarin ‘yan, makikinabang po sila ng hanggang 80 years sa pag-andar ng BNPP na magbibigay ng murang kuryente para sa kanila,” dagdag ni Cojuangco.

Samantala, hindi aapihin ng mga bansa gaya ng China at Malaysia ang bansang Pilipinas kung saka-sakaling natuloy ang Bataan Nuclear Plant noong panahon ni Pres. Corazon Aquino.

Ito ang inihayag ni Former Senate President Juan Ponce Enrile sa programa nitong Bayan ni Juan sa SMNI.

“Ngayon tayo inaapi. Inaapi ng China, inaapi ng lahat, inaapi sa Malaysia. Kung natuloy ‘yun, at hindi sinira ni Cory (Aquino) baka hindi tayo aapihin ngayon pakikiusapan tayo nang mahinahon,” pahayag ni Enrile.

Patungkol naman sa usapin ng speakership sa Kamara, ani Enrile, nasa kamay pa rin ng Kamara kung sino ang iboboto nila bilang House Speaker.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *