Bob Cousy
Sports

Basketball legend Bob Cousy, ginawaran ng Presidential Medal of Freedom

IGINAWAD sa 91 year old at basketball legend na si Bob Cousy ang Presidential Medal of Freedom.

Personal at pormal naman itong ibinigay ni US President Donald Trump ngayong araw.

Makokonsidera kasi ang Boston Celtics star player bilang isa sa mga all-time great sa kasaysayan ng sports.

Kung babalikan naman ang naging kontribusyon ni Cousy sa basketball, nakapaglaro ito sa Boston Celtics mula 1950 hanggang 1963.

Dito ay nakapagpanalo si Cousy ng anim na league championships at nasungkit ang MVP title noong 1957.

Samantala, at dahil din sa kaniyang kagalingan at katanyagan sa basketball ay ipinangalan sa kaniya ang isang parangal.

Ang Bob Cousy Award ay ibinibigay sa mga pinakamagagaling na point guard ng bansa sa men’s college basketball.

Sa ngayon ang 13-time all-star player na si Cousy ay miyembro na din ng Naismith Memorial Basketball Hall of Fame at may bahagi sa pagkakatatag ng NBA Players Association.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *