Baron Geisler, ibinahagi ang pinakamalaking bagay na pinagsisihan sa buhay

Baron Geisler, ibinahagi ang pinakamalaking bagay na pinagsisihan sa buhay

IBINAHAGI ng aktor na si Baron Geisler ang pinakamalaking bagay na pinagsisihan nito sa buong buhay.

Sa isinagawang interview ng aktres na si Toni Gonzaga kay Baron, emosyunal na sinabi ng aktor na pinagsisisihan nito na hindi naipakita sa kanyang ina ang ‘mas mabuting Baron’ bago ito pumanaw.

Kwento ni Baron, nasa tabi siya ng kanyang ina nang sumakabilang-buhay ito.

Matatandaan na nasasangkot sa maraming kontrobersya si Baron dahil sa pagiging basagulero at ilang beses na rin itong pumasok sa rehab dahil sa pagiging lasenggo.

Ani Baron, pangarap niya noon na makita siya ng kanyang ina na malinis.

Gayunman sa ngayon, dahil sa kanyang ipinakitang pagbabago, marami na ang nagsasabi na tiyak na ipinagmamalaki na siya ng kanyang ina.

Kasalukuyang nasa road to recovery si Baron mula sa kanyang alcoholism sa tulong na rin ng kanyang asawa at anak. Naka-base ngayon sa Cebu si Baron kasama ang pamilya nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *