CORONAVIRUSRegional

Barko ng PCG lulan ng mga miyembro ng PNP-SAF, nasa Cebu City na

NASA Cebu City na ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard na may lulan na 108 miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF).

 

Ngayong hapon lamang ng dumaong ang barko sa Aduana Wharf, Cebu City.

 

Ayon sa PCG, magiging augmentation force ang PNP-SAF troopers sa local police sa Cebu City para sa mahigpit na implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa lugar.

 

Bukod sa mga PNP-SAF, mayroon din dala ang PCG na mga kargamentong naglalaman ng medical supplies para sa lungsod.

 

Makatutulong naman ang karagdagang medical supplies para maitaguyod ang kalusugan at kaligtasan ng mga medical at government personnel na patuloy na lumalaban sa banta ng COVID-19.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close