Barangay Ginebra, hawak na ang unang puwesto sa PBA Philippine Cup

Barangay Ginebra, hawak na ang unang puwesto sa PBA Philippine Cup

NANGUNGUNA na ngayon ang Barangay Ginebra San Miguel sa standing ng nagpapatuloy na PBA Philippine Cup Bubble sa Angeles, Pampanga.

Ito ay matapos na talunin ng koponan ang Terrafirma Dyip sa iskor na 102-80.

Pinangunahan naman ni Japeth Aguilar ang panalo ng San Miguel na nagtala ng 21 points habang nag-ambag ng 13 points, 11 rebounds at siyam na assists si Scottie Thompson.

Dahil sa panalo ng koponan, mayroon na ngayong itong 8 wins – 3 loss record.

Samantala, natuwa naman si Coach Tim Cone sa ipinamalas na laro ng kanyang koponan na nagawang makabawi matapos matalo ang koponan sa laban nila sa San Miguel Beermen.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *