Barangay and SK elections 2018
National

Barangay and SK elections 2018, mas mapayapa kumpara noong 2013

Ito ang pananaw ni PNP Spokesperson, Police Chief Superintendent John Bulalacao, sa naganap na Barangay and SK elections 2018.

Ayon kay Bulalacao, marami ang naging dahilan kung bakit naidaos ang isang mapayapang botohan na siyang resulta ng pagtutulungan ng ibat-ibang sektor maging ng media.

Sa huling tala ng ahensya, aabot sa 47 na mga suspected election related incidents na ang naganap mula ng magsimula ang election period, subalit pitong kaso lamang dito ang napatunayan ng comission on elections o COMELEC na may kinalaman sa eleksyon.

Mayorya dito ay ang kaso ng pamamiril na naganap sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Sa hiwalay na pulong balitaan, iginiit ni Armed Forces Chief of Staff Lt. General Carlito Galvez na bumaba ang mga pag-atake ng New Peoples Army ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na botohan.

Ayon kay Galvez, naitala ng AFP ang “low record” attacks ng NPA simula ng mag-umpisa ang election period.

Ito aniya ay bunga ng maaga nilang opensiba sa npa na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

42 violent incidents namang ang naitala ng AFPsa kasagsagan ng election period subalit gaya ng sa PNP, 7 kaso lang din ang kinumpirma ng COMELEC na election related.

Kaya naman, ay patuloy na nanawagan ang AFP at PNP sa publiko na tulungan sila na magbantay lalo na sa mga insidente ng vote buying at iregularidad at isumbong ito sa social media.

Nakatakda namang ibigay ng PNP ang kanilang final assessment ngayong araw para sa Barangay and Sk elections ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *