importasyon ng domestic at wild pigs
Business

Bansa na ipinagbabawal ang importasyon ng domestic at wild pigs, nadagdagan pa

ISINAMA na rin ng Department of Agriculture (DA) ang North Korea sa mga listahan ng bansa na ipinagbabawal ang importasyon ng domestic at wild pigs.

Sa isang memorandum order, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na layon ng pansamantalang import ban ng domestic at wild pigs, kabilang ang mga produktong pork meat, pig skin at semen na mula North Korea ay para maiwasang makapasok sa bansa ang African Swine Fever.

Sa memorandum, ipinag-utos ni Piñol ang agad na pagsuspende ng proseso at evaluation ng aplikasyon at pag-isyu ng sanitary and phytosanitary import clearance ng mga nabanggit na produkto.

Maging ang pagharang at pagkumpiska ng mga ito sa lahat ng major ports.

Ang pagbabawal ng pork products mula sa nasabing bansa ay base sa official country report na isinumite sa World Health Organizations (WHO) na mayroong kaso ng ASF sa buksang cooperative farm RI, USI, Changang-Do.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *