Bank accounts ng mga opisyal ng PhilHealth, pinasisilip sa AMLC

Bank accounts ng mga opisyal ng PhilHealth, pinasisilip sa AMLC

PINASISILIP ng mga kongresista sa Anti-Money Laundering Council o AMLC ang bank accounts ng mga opisyal ng PhilHealth para magkaalaman na kung sino sa mga ito ang sangkot sa korupsiyon.

“If they’re saying they’re innocent, public is listening.Can I ask PhilHealth officials if they have no objection if we may request for an AMLC verification of their bank deposits and bank transactions, Mr. Chair? Rep. Lray Villafuerte, House Deputy Speaker

Ito ang hamon ni Deputy Speaker Lray Villafuerte sa mga opisyal ng PhilHealth sa pagdinig ng Kamara ngayong araw kaugnay sa mga anomalyang bumabalot sa state run insurance company.


Ayon kay Villafuerte, kailangan nang pumasok sa eksena ng Anti- Money Laundering Council o AMLC.

“Mr. Chair maybe all officials here present and in Zoom, simple question lang po? If they’re innocent then they are not hiding anything. Are they willing to sign a statement that the AMLC can verify their bank deposits or bank transactions. Kung wala po silang ginagawang anomalya, walang ninakaw sa gobyerno, are they willing with no objection, Mr. Chair? Rep. Lray Villafuerte, House Deputy Speaker

Hamon naman ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na kasamang mag-waive ng kanilang bank transactions ang mga matataas na opisyal ng PhilHealth.

Hindi na nakapalag pa ang mga matataas na opisyal ng PhilHealth na kumasa sa hamon at pumayag na ilahad ang kanilang bank transactions.

Nasa 68 ang mga executive officers ng PhilHealth sa buong Pilipinas sa pangunguna ng President at Chief Executive Officer nito na si Retired Brigadier General Ricardo Morales.

Sunod kay Morales si Arnel de Jesus na siya namang Executive Vice President at Chief Operating Officer.

Sa ilalim ni De Jesus ay ang pitong senior vice president, siyam na vice president, 25 senior managers at mga area at regional vice president sa buong bansa.

Regional officials ng PhilHealth, inirekomendang isama sa mga kakasuhan

Samantala, inirekomenda ni Public Accounts Chairman Mike Defensor na isama sa kakasuhan ang mga opisyal ng PhilHealth hanggang sa regional level.

Sa presentasyon ng kongresista sa ikalawang pagdinig kaugnay sa katiwalian sa PhilHealth , ang mga anomalya sa case-rate systems ay may kaparehong pattern na noon pang 2014 hanggang 2015 na kinasangkutan ng tinatawag na PhilHealth mafia.

Lumalabas na aabot sa P721. 3 million ang inilabas na claims para sa case-rates at no-balance billing program ng PhilHealth sa siyam na regional offices nito.

Nagtataka din ang kongresista na kapag sa ibang ospital tulad sa mga pribadong medical institutions ay napakabilis ang release ng pera sa ilalim ng benefits claims committee.

Dahil dito, duda ng kongresista na may sabwatan sa regional level sa PhilHealth.

Giit din nito na malinaw na may “plunder” na nagawa sa mga opisyal ng PhilHealth dahil bilyon-bilyong pera na ang nawala sa kompanya.

“This in fact is plunder. Yung bilyong-bilyong nawala dito ay plunder at ang aking rekomendasyon, kasuhan hanggang sa regional level dahil lalabas po diyan sinong ospital ang nakinabang, sino ang kakuntsaba dahil malinaw naman po ang records ng Commission on Audit at madali  pong imbestigahan.” Rep. Mike Defensor

Samantala, inamin naman ni PhilHealth Senior VP Jovita Aragona na bagama’t computerized at fool-proof ang IT system para sa claims ng PhilHealth ay maaari pa ring maloko dito ang gobyerno.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *