Regional

Bangka ng mga mangingisdang Pinoy na nawawala sa karagatan ng Mindoro Occidental, natagpuan

PATULOY ang isinasagawang search and rescue operation ng mga otoridad sa mga mangingisdang Pinoy na lulan ng Philippine Fishing Boat Liberty 5.

 

Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, kabilang sa nawawala ang labing dalawang mangingisdang Pinoy at dalawang pasahero.

 

Sa ulat ng PCG, linggo ng hapon nang mangyari ang insidente sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro kung saan nagbanggaan ang Liberty 5 at ‘MV Vienna Wood’ na isang Hong Kong-flagged cargo vessel.

 

Sa ngayon, nasa Mamburao, Occidental Mindoro na ang patrol boat BRP Boracay ng PCG para sa search and rescue operations.

 

Kasama rin anila sa isasagawang search and rescue operations ang kanilang Islander plane at Airbus HI45 maging ang dagdag na rescue team mula Batangas.

 

Magde-deploy din ang PCG ng isa pang multi-role response vessel para mapaigting pa ang paghahanap sa mga nawawala mangingisda.

 

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad sa naturang insidente.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close