Catriona
National

Balik-Pilipinas ang new crowned na si Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray.

ALAS 3:98 ng hapon nang lumapag ang sinasakyang private plane ni Catriona sa NAIA sa Pasay City mula Thailand.

Kasama ng beauty queen na dumating ay sina Miss Universe Judge Richelle Singson-Michael at dating Governor Chavit Singson.

Sinalubong si Catriona ng kanyang mga taga-suporta at mga bata mula sa Young Focus Foundation, isang NGO na base sa Tondo, Maynila.

Mahigpit rin ang ipinatutupad na seguridad sa pagdating ni Catriona.

Mananatili sa bansa ang beauty queen para isang charity event bago lumipad patungong New York City para simulan ang kanyang tungkuling bilang Miss Universe.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *