Bakunahan gamit ang Pfizer BioNTech vaccine, isasagawa sa San Juan City ngayong araw

Bakunahan gamit ang Pfizer BioNTech vaccine, isasagawa sa San Juan City ngayong araw

NAKATAKDANG tumanggap ng bakunang Pfizer BioNTech vaccine ang ilang residente ng San Juan City, ngayong araw.

Matapos makatanggap ang lokal na pamahalaan ng higit 11,000 dosis ng nasabing bakuna.

Nasa 11,700 dosis ng Pfizer BioNTech vaccine ang natanggap ng San Juan City kahapon mula sa Department of Health (DOH).

Gagamitin ang naturang bakuna para sa mga medical frontliners, senior citizen at may mga comorbidity.

Dahil kinakailangang ilagak ang Pfizer vaccine sa mga storage na may temperaturang -80 hanggang -60 degrees Celsius ay nagrenta ang San Juan LGU ng ultra cold freezer.

Ang ultra-low freezer na ito may kakayahang maglagak ng higit 12,000 vials.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 13,085 ang nabakunahan sa lungsod ng San Juan.

Nasa 8,620 nito ay nakatanggap na ng first dose habang 3,801 nito ay nakatanggap na ng second dose ng Sinovac vaccine.

Nasa 2460 naman ang naturukan na ng first dose ng AstraZeneca.

Sa ngayon, mayroon pang natitirang 10,075 dosis ng bakunang Sinovac sa lungsod.

Samantala, sisimulan muli ng LGU ang pagbabakuna sa mga residente gamit ang AstraZeneca matapos makatanggap ng 12,000 dosis ng naturang bakuna.

Sa mga nakaraang linggo, kayang magbakuna ng San Juan City ng 600 hanggang 800 residente.

Sa karagdagang dosis ng bakuna na natanggap ng San Juan, tataas pa sa 1,500 individuals ang maaaring mabakunahan sa kanilang vaccination center kada araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *