Bakuna para sa COVID-19, available sa 2nd quarter ng taong 2021 —DOH

Bakuna para sa COVID-19, available sa 2nd quarter ng taong 2021 —DOH

MAAARING sa 2nd quarter pa ng taong 2021 maumpisahan ang pagbili at pag-distribute ng bakuna para sa COVID-19 sa Pilipinas dahil patuloy pang sinasailalim sa tamang proseso ang mga bakuna sa buong mundo.

Ayon kay Department of Health (DOH) USec. Rosario Vergeire, kailangan matiyak ng bansa na ito ay ligtas bago bilhin ng gobyerno ang bakuna.

Matatandaang, mas nais ni Pangulong Duterte ang mga bakuna mula sa Russia at China dahil ang ibang bansa ay nanghihingi ng paunang bayad sa mga bakuna.

Inihayag din ng Pangulo na mas nais nito ang pinakamurang COVID-19 vaccine dahil aniya pareho lamang ito ng epekto.

Sa ngayon, nakikilahok ang bansa para sa gagawing Phase 3 clinical trial ng Sputnik V mula sa Russia.

Samantala, tinukoy na ng Department of Science and Technology (DOST) ang 13 ospital na pasok sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Science Secretary Fortunato de la Peña, inaprubahan na ng Interagency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga inirekomendang ospital.

Ang 13 health facilities ay mangangasiwa sa eight trial zones na pagdarausan ng solidarity trial.

Kabilang sa mga natukoy na ospital sa National Capital Region (NCR) ang Philippine General Hospital, Manila Doctors Hospital, San Lazaro Hospital, Lung Center of the Philippines, St. Luke’s Medical Center-Quezon City, Research Institute for Tropical Medicine, Makati Medical Center, The Medical City at St. Luke’s Medical Center-BGC.

Habang ang ilang ospital ay nasa iba’t ibang probinsya gaya ng Vicente Sotto Memorial Medical Center at Chong Hua Hospital sa Cebu City; De La Salle Health Sciences Institute sa Cavite; at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Sinabi ni Dela Pena na ang solidarity trial ng WHO ay magsisimula sa Oktubre at inaasahang makukumpleto sa Second Quarter ng 2021.

EO na magtatakda ng tamang presyo ng singil sa swab test, hiniling

Kinumpirma ng Department of Health na naisumite na nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendayon na humihiling na mag-isyu ng Executive Order para sa regulasyon sa presyo ng COVID-19 swab test.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na napansin kasi ng DOH na magkaka-iba ang presyong sinisingil sa swab testing at malaki ang diperensya ng halaga ng swab test sa mga laboratoryo kaysa sa mga ospital.

Ipinaliwanag ni Vergeire na hiniling nila ang Executive Order dahil may batas nang umiiral na nakasaad ang price ceiling pero ito ay para lamang sa mga gamot at hindi kasama ang diagnosis, professional fees at swab test para sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ang singil sa swab test ay mula P3,500 hanggang P15,000, depende sa ospital, klinika o laboratoryo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *