Bakbakan sa Negros Occidental, ikinasawi ng apat na terorista

Bakbakan sa Negros Occidental, ikinasawi ng apat na terorista

IKINASAWI ng apat na Communist Terrorist Group (CTG) ang nangyaring bakbakan sa Negros Occidental kahapon, Setyembre 14.

Alas 7:20 ng umaga nang umalingawngaw ang mga putok ng baril sa Sitio, Balik Balik, Brgy. Tabo, Ilog, Negros Occidental.

Tumagal ang palitan ng putok ng isang-oras at sampung minuto kung saan ikinamatay ito ng apat na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa bakbakan sa Negros Occidental.

Naligtas naman ang dalawang sugatan na rebelde at kaagad na nilapatan ng mga sundalo ng paunang lunas.

Pagkatapos ng engkwentro ay narekober ang ilang mga mga magazine, mga personal na gamit, at long firearms kabilang na ang M16 rifle na may M203 grenade launcher.

Ayon kay PNP Chief PGEN. Guillermo Eleazar, base sa intelligence report na natanggap ay may hindi mabilang na mga CTG sa lugar upang mag-recruit ng mga bagong miyembro kaya naman kaagad nagsagawa ng  Joint Strike Counter-Insurgency Operations sa lugar.

Pinapurihan naman ni General Eleazar ang mga mga sundalo at mga pulis na kasama sa naturang operasyon at sinabing hindi nito titigilan ang pagsupil sa mga rebelde at upang hindi na ito makasisira pa ng pamilya’t  buhay at kinabukasan ng mga kabataan.

“Napag-alaman din natin na itong mga rebelde ay nagre-recruit ng mga bago nilang miyembro sa naturang lugar. Saludo ako sa ating mga pulis dahil sa matagumpay nilang operasyon laban sa mga teroristang ito, at hindi tayo titigil hangga’t hindi natin sila nahuhuli at mawakasan ang pagsira sa kinabukasan ng mga kabataan at pamilya ng kanilang narerecruit,”ayon kay Eleazar.

Ang operasyon ay naging matagumpay sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng:

1.) 61st Special Action Company sa pangunguna ni PCpt. Bill Fernando P. Jumalon

2.) 64th SAC sa pamumuno ni PCpt. Honor Rey B. Hibaya

3.) 65th SAC led by Plt Carlo Vino C. Buaquen

4.) 2nd Negros Occidental Police Mobile Force Company

5.) Regional Mobile Force Battalion 6

At maging ang 15th Infantry Battalion of Philippine Army ay kasama din sa operasyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *