Bakbakan sa Mountain Province, ikinasawi ng 2 NPA

Bakbakan sa Mountain Province, ikinasawi ng 2 NPA

NASAWI ang dalawang rebelde sa bakbakan sa Mountain Province matapos mag paunang putok ang mga rebeldeng grupo.

Sa pinaigting na laban ng Duterte Administration sa mga komunistang teroristang grupo sa tulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at sinabayan ng Executive Order No. 70 na whole of government approach ay tila nag kakaroon na ng kaliwanagan sa matagal nang nagpapa sakit sa mamamayang Pilipino dulot ng idolohiyang nag bibigay ng puot sa bawat yayakap nito upang pabagsakin ang gobyerno.

Ang Communist Party of the Philippines (CPP) ay ang utak o ang nag kukumpas sa mga hakbang ng New Peoples Army o ang mga rebeldeng grupo na nasa kabundukan.

Isa sa mga gawain ng NPA na binansagan nang teroristang grupo ay ang mangikil, manunog ng mga kagamitan, pumatay ng mga sibilyan at iba pang kasamaan na nag bibigay ng takot sa mga komunidad sa kanayunan.

Kaya naman nang makatanggap ng impormasiyon ang 54th Infantry Battalion na mayroong sampung mga armadong komunistang teroristang grupo sa Barangay Mainit, Bontoc, Mt. Province ay agad na inaksiyunan ng miltar ang nasabing ulat.

Sa pag dating ng mga kasundaluhan sa nasabing lugar ay agad na pinaputukan ito ng mga rebeldeng grupo kung saan tumagal ang bakbakan ng tatlumpung minuto na ikinasawi ng dalawang rebelde habang sa kampo naman ng military ay walang nasaktan.

Ang nasabing bakbakan sa Mountain Province ay nangyari nitong martes at pinag bigay alam kahapon lamang kung saan nakuha mula sa mga rebeldeng grupo ang M14, limang magazines na may 70 rounds of bullets, tatlong magazine ng AK-79 rifle na may 20 rounds of bullets, siyam na anti-personnel mines, 2 rifle grenades, 2 blasting caps, wires, medesina, at iba pang personal na pag mamay-ari ng mga rebelde.

Sa isang panayam kay 5th Infantry Division (5ID) Spokesperson, Maj. Jekyll Julian Dulawan kinilala ang mga namatay na rebelde na sina Ernesto Lucaben Jr. alias “Ka Ashley/Lando” at Wilfredo Gaayon alias “Ka Jaz”, na parehong NPA sa komiteng Larangang Gerilya-Abra-Mt. Province-Ilocos Sur.

Dahil sa nangyaring engkwentro sa nasabing lugar ay idineklara na na “persona non grata” ang mga NPA sa Bontoc, Mountain Province.

SMNI NEWS