Bahay ng American-Filipino actor na si Xian Lim, ninakawan

Bahay ng American-Filipino actor na si Xian Lim, ninakawan

BINAHAGI ng American-Filipino actor na si Xian Lim ang nakalulunos na pangyayaring bumulaga sa kanyang pag-uwi nang kanyang matagpuan na nilooban ng mga magnanakaw ang kanyang bahay.

Ayon sa Instagram post ng aktor, basag ang mga bintana, sira ang mga metal grills ng kanyang bahay.

Aniya, nawala ang lahat ng kanyang mga TV at mga computer.

Natagpuan din ng aktor ang isang tabla na may nakausling mga pako na siyang pinaniniwalaan niyang ginamit sa pagbasag sa mga bintana at pagsira sa seradura ng kanyang pintuan.

Wala nang ibang detalye pang ibinigay ang aktor at aniya ay nasa apat katao ang nanloob sa kaniyang bahay.

Malaki na rin ang pasalamat ng aktor na walang nangyaring masama sa kanyang pamilya at kanya na rin inireport ang insidente sa tanggapan ng pulisya.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *