inalis na P75B
National

Bahagi ng inalis na P75B nais na ilipat sa mga proyekto sa H. Luzon

IKINUKUNSIDERA ni Senador Panfilo Lacson na gamitin ang inalis na P75B mula sa 2019 proposed national budget.

Ito ay sa slope protection para sa mga pangunahing kalsada sa Hilagang Luzon.

Nais ilipat ni Lacson ang bahagi ng pondo sa slope protection works.

Kabilang sa mga lugar ang Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay na hindi na madaanan dahil sa landslides.

Gayunman, kailangan munang konsultahin ng DPWH ang Mines and Geosciences Bureau (MGB).

At iba pang ahensya ng pamahalaan at siguraduhing hindi lolobo ang kanilang kompyutasyon.

Sinabi ng mambabatas na hindi na nila papayagan ang malaking estimates katulad sa Nueva Ecija.

Kung saan gumastos ang DPWH ng P44,000 per square meter para sa slope protection.

Gayong batay sa kalkulasyon ng civil engineers ay aabot lamang ito sa 28,000 pesos per square meter.

Hahanap din aniya sila ng mga programa na kailangan ng pondo subalit hindi dapat maging pork to pork ang gagawing re-alignment sa P75B.

SMNI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *