Bagyong Tisoy
National

Bagyong Tisoy, inaasahang magla-landfall ngayong gabi o bukas ng umaga

BAHAGYA pang lumakas ang Bagyong Tisoy habang papalapit sa kalupaan ng bansa.

Batay sa huling weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 km silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kph at pagbugsong aabot sa 185 kph.

Kumikilos naman ito sa dierksyong pakanluran sa bilis na 20 kph.

Inaasahan ngayong gabi o bukas ng umaga maglalandfall ang bagyo sa catanduanes o albay.

Dahil dito, nakataas na ang Signal No. 3 sa Catanduanes.

Signal No.2 naman sa eastern portion sa Laguna, Batangas, Quezon kabilang na ang polilio Island, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang na ang Burias at Ticao Islands.

Signal No. 1 naman sa Southern Isabela, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Ecija, Ilocus Sur, La Union, Pangasinan, Quirino, Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, at natitirang bahagi sa Batangas, Laguna, at Oriental Mindoro kabilang na ang Calamian Islands.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *