Marinduque
National

Bagyong Tisoy, bahagyang humina matapos ang pag-landfall sa Marinduque

BAHAGYANG humina ang bagyong matapos ang pag-landfall nito sa kalupaan ng probinsya ng Marinduque kaninang 8:30 ng umaga.

Sa huling Severe Weather Bulletin, huling namataan ang sentro nito sa layong 55 km silangan ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kph at pagbugsong aabot sa 205 kph.

Kumikilos naman ito sa bilis na 25 kph pa kanluran.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal No.3 sa Burias Islands, Romblon, southern portion ng Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, Batangas, Cavite at Laguna.

Signal No.2 naman sa Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Metro Manila, Bulacan, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Southern Aurora, Rizal, rest of Quezon kabilang ang Polillo Islands, Calamian Islands, Zambales, Pangasinan, at Masbate including Ticao Islands.

Signal No. rin sa western portion of Northern Samar, Northwestern Portion of Samar, aklan, capiz, at northern antique.

Nasa Signal No. 1 naman ang Southern Isabela, Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Quirino, rest of Aurora, at northern portion of Palawan.

Kabilang rin sa nasa ilalim ng Signal No. 1 ang rest of Northern Samar, Rest of samar, Biliran, Northern Negros Occidental, rest of Antique, Iloilo, Guimaras, at Leyte.

Inaaasahan namang muling magla-landfall ang bagyo sa Mindoro Island ngayong hapon.

Kaugnay nito, inaabisuhan ng ahensya ang mga nakatira sa mga flashflood at landslide prone area na mag-ingat sa posibleng epekto ng Bagyong Tisoy sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *