Bagyong Tisoy
National

Bagyong Tisoy, bahagyang bumilis habang napanatili nito ang taglay na lakas

BAHAGYA pang bumilis ang Bagyong Tisoy habang napanatili nito ang taglay na lakas habang papalapit sa kalupaan ng bansa.

Sa huling Weather Bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 235 kilometer silangan timog-silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kph at pagbugsong aabot sa 185 kph.

Kumikilos naman ito sa bilis na 25 kph sa direksyong pa-kanluran

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Signal No. 3 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, southern portion ng Camarines Norte.

Signal No 2 naman sa Metro Manila, Bulacan, Bataan, Pampanga, Eastern Portion Ng Nueva Ecija, Southern Aurora, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon including Polillo Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Rest of Camarines Norte, and Masbate including Ticao Island. Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.

Signal No. 1 naman sa Southern Isabela, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Quirino, rest of Aurora, rest of Nueva Ecija, Tarlac, Zambales and Calamian Islands

Kabilang rin sa Signal No. 1 ang Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Northern Portion of Negros Occidental, Northern Cebu, Leyte, at Southern Leyte. Dinagat Islands and Siargao Island naman sa Mindanao.

Inaasahan namang tatama sa kalupaan ng Bicol Region mamayang gabi o bukas ng umaga.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *