Bagyong Rosita
National

Bagyong Rosita, patuloy na nagbabanta sa Luzon

HUMINA ang Bagyong Rosita habang papalapit ito sa Isabela-Aurora area.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 170 km kada oras malapit sa gitna.

At pagbugsong aabot sa 210 km kada oras.

Kumikilos ito pa kanluran timog-kanluran sa bilis na 20 km kada oras.

Sa kasalukuyan ay nakataas na sa Signal Number 2 ang:

Cagayan

Isabela

Aurora

Quirino at Polillo Island

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Benguet at Nueva Vizcaya

 

Nasa Signal Number 1 naman ang:

 

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Abra

Apayao

Batanes

Babuyan Group of Islands

Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Northern Quezon

Rizal

Bulacan

Metro Manila

Laguna

Batangas

Bataan

Zambales

Cavite

Camarines Norte

Ayon sa Pagasa, malakas hanggang sa napakalakas na hangin ang makakaapekto sa silangang bahagi ng northern at Central Luzon simula ngayong araw.

Katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan ang mararanasan na kaparehong lugar simula mamayang gabi.

Pinapayuhan ang mga residente na nakatira rito, lalo na ang mga malapit sa mga ilog, mabababa at bulubundunduking lugar.

Na maging alerto at maghanda sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Posible namang magkaroon ng storm surge sa coastal areas ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Isabela, at Aurora.

Bukas ng umaga inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo sa bahagi ng Isabela-Aurora area.

Sa Miyerkules naman inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *