Cagayan Province
National

Bagyong Ramon, inaasahang magla-landfall sa Cagayan Province

BAHAGYANG bumagal at lumakas ang Bagyong Ramon habang papalapit sa kalupaan ng Cagayan Province.

Batay sa huling Severe Weather Bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 460 kilometro silangan ng Tuguegarao City.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kph at pagbugsong aabot sa 90 kph.

Mabagal naman itong kumikilos sa direksyong hilaga-hilagang kanluran.

Nananatili namang nakataas ang tropical cyclone wind signal No.1 sa Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, at Peñablanca sa Cagayan Province.

Kabilang din dito ang Maconacon, Divilacan, Palanan at Dinapigue sa Isabela at Dilasag, Casiguran, at Dinalungan sa Aurora.

Inaasahan namang magla-landfall ang bagyo sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

Samantala, kanselado ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport Authority (NAIA) dahil sa masamang panahon bunsod ng Bagyong Ramon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa kanselado sa NAIA Terminal 4 ang M8 816 at 817 na Manila-Basco-Manila ng SkyJet.

Wala ring biyahe ang flights DG 6113 at 6114 na Manila-Naga-Manila ng CebGo.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *