Bagyong Queenie
National

Bagyong Queenie, hindi na magla-landfall sa bansa

HINDI magla-landfall sa anumang bahagi ng bansa ang Bagyong Queenie at wala ring itataas na storm signals ang PAGASA.

Huling namataan ang bagyo sa silangan ng Tuguegarao, Cagayan at patuloy na tinatahak ang hilagang kanluran ng bansa.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes.

Bagaman walang direktang epekto sa bansa si Queenie ay makararanas ng pag-ulan ang silangang bahagi ng bansa dahil sa trough ng bagyo.

Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas.

Gayundin sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon dahil sa extension ni Queenie.

Habang iiral ang localized thunderstoms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, lalo na sa hapon o gabi.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *