Bagyong Perla
National

Bagyong Perla, napanatili ang lakas habang papalapit sa hilagang bahagi ng bansa

NAPANATILI ng Bagyong Perla ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pakanluran.

Sa Severe Weather Bulletin ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 860 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 860 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10km/h.

Sa ngayon ay wala pang nakataas na anumang signal warning sa bansa.

Gayunman, maaring magdala ang bagyo ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands at Apayao simula sa Sabado o Linggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *