Bagyong Maring, malaking dagok ang dala sa La trinidad, Benguet

Bagyong Maring, malaking dagok ang dala sa La trinidad, Benguet

MALAKI ang naging epekto ng bagyong Maring sa La Trinidad, Benguet.

Sa panayam ng SMNI news kay La Trinidad, Benguet Mayor Romeo Salda, isa sa mga naapektuhan ang strawberry farmers dahil sa Agosto ay nagsimula na silang magtanim para sa inaasahang harvest sa November.

“Mga farmers- kasi ‘yung mga lettuce natin, may plastic tunnel, na-damage po ‘yung plastic tunnel so pati ‘yung mga romaine (lettuce) at tsaka ‘yung mga lettuce na tinanim nila, ‘yun po ang na damage. Strawberry farmers din natin, nag-plant na sila noong August para November, December, maka-harvest din sila. So affected po lahat ‘yung mga strawberry farmers, flower farmers at tsaka mga vegetable farmers natin dito sa munisipyo ng La Trinidad,”ayon kay Mayor Salda.

Hanggang kahapon ayon sa butihing Mayor, medyo naging okay na ang lagay ng panahon sa La Trinidad.

Umaasa lang sila na tuluyan nang umalis si bagyong Maring sa Pilipinas.

Samantala, ibinahagi naman ni Mayor Salda na kumakain ang isang pamilya sa La Trinidad nang nangyari ang landslide, gabi noong October 11.

Ikinamatay ang naturang landslide ng tatlong anak ng mag-asawa na may edad dalawang taon, anim na taon at walong taong gulang dahil sa naging epekto ng bagyong Maring.

Ayon kay Mayor Salda, hindi na umano pinalikas ang pamilya dahil may riprap ang bundok na kinatayuan ng bahay nito.

Subalit ang malagim ayon sa Mayor, natabunan pa rin ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *