Man-Yi
National

Bagyong Man-Yi, posibleng pumasok sa PAR bukas

POSIBLENG pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo na may international name na Man-Yi.

Mangyayari ito sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Huling namataan ang tropical storm sa labas ng PAR o sa silangan ng Southern Luzon.

Ayon sa Pagasa, papangalanang “Tomas” ang bagyo kapag pumasok ito ng PAR.

Una na ring sinabi ng Weather Bureau na hindi magla-landfall sa anumang bahagi ng bansa ang bagyo.

Maaliwalas na panahon naman ang nararanasan sa Hilagang Luzon, Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Gayunpaman, maaari pa ring makaranas ng mahinang pag-ulan dahil sa amihan.

Samantala, huling namataan ang Bagyong Samuel sa labas ng PAR.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *