hilagang bahagi ng Luzon
National

Bagyong Falcon, patuloy ang paglapit sa hilagang bahagi ng Luzon

PATULOY ang paglapit ng bagyong sa hilagang bahagi ng Luzon.

Batay sa huling weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 510 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito sa bilis na tatlumpung kilometro kada oras sa direksyong pakanluran.

Taglay naman nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometro kada oras.

Posible ring maging isang tropical storm ang bagyo sa loob ng 24 na oras.

Sa ngayon, nakataas ang tropical cyclone warning Signal No. 1 sa Northern Isabela, Cagayan kabilang na ang Babuyan Island at Batanes.

Inasahan naman na posibleng mag-landfall ang bagyo kung hindi magbabago ang tinatahak nitong direksyon.

Patuloy namang pinag-iingat ang mga residente sa mga lugar na kataas ang storm signal at sa iba pang bahagi ng Luzon sa magkalakas hanggang sa makalas na buhos ng ulan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *