terminal assignment
Metro

Bagong terminal assignment ng mga airlines sa NAIA, hindi pa pinal

Nakikiusap si  Manila International Airport Authority  (MIAA) General Manager Ed Monreal na alisin sa mga lumalabas na balita  ang bagong terminal assignment ng mga airlines company  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang mariing pahayag  ng opisyal kasunod ng mga kumakalat na balita kaugnay sa bagong terminal assignment ng mga airlines sa NAIA na sisimulan na sa katapusan ng buwan ng Agosto.

Ani Monreal wala pang pinal sa naturang desisiyon ng paglilipat at pag-aayos dahil ang mga lumalabas sa mga balita ay napag-usapan lamang tatlong buwan na ang nakalipas ngunit hindi ibig sabihin ay iyon na ang finale.

Unang pinag-aaralan ngayon ay ang magiging kaligtasan, kaginhawaan at kaluwagan ng mga pasahero.

Matatandaang una ng lumabas sa ulat na kabilang sa mga airlines na magkakaroon ng bagong terminal assignment ay ang mga sumusunod:

  • Terminal 1: International flight ng Philippine Airlines, Etihad Airways, Saudia Airlines, Japan Airlines  at Thai Airways.

 

  • Terminal 2: Domestic flights ng  Philippine Airlines at Cebu Pacific.

 

  • Terminal 3: International flight ng  Cebu Pacific  at lahat ng international carriers maliban sa mga nabanggit sa NAIA Terminal.

 

  • Terminal 4: magisisilbing domestic flight  maliban sa PAL at Cebu Pacific.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *