National

Bagong talagang BuCor director, hinamon na linisin mula sa katiwalian ang bilibid

Hinamon ni ACT- CIS Rep. Eric Go Yap ang bagong BuCor director general na si Gerald Bantag na linisin sa katiwalian ang New Bilibid Prison.

Ani Yap, dapat tiyakin ng BuCor chief na hindi siya makakain ng sistema at hindi ito magiging kasangkapan ng katiwalian.

Punto pa ni Yap, hindi dapat masira ang tiwala ng pangulo at ng taumbayan sa bagong pamunuan ng BuCor matapos masangkot sa ngayon sa ibat-ibang kontrobersya at mabaon sa isyu ng korapsyon ang institusyon.

Kumpiyansa naman ang kongresista sa karanasan ni Bantag bilang dating jail warden ng Parañaque City Jail na kabisado ang kalakaran sa penal institution.

Sa huli, hangad nito na hindi lang basta takpan ang mga umaalingasaw na katiwalian sa loob ng BuCor, sa halip ay dapat mahanap ng bagong direktor ang pinagmumulan nito at ayusin agad.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *