International

Bagong swine flu na natagpuan sa China, may potensyal sa pandemya

NADISKUBRE ng mga tagapagsiyasat sa China ang bagong uri ng swine flu na may kakayanang magdulot ng pandemya ayon sa pag-aaral na inilathala ng U.S. science journal PNAS.

 

Ang naturang swine flu ay tinawag na G4 at ito ay ‘genetically descended’ mula sa H1N1 na nagdulot ng pandemya noong 2009.

 

Ito ay nagtataglay ng “all the essential hallmarks of being highly adapted to infect humans,” ayon sa mga siyentista sa mga unibersidad ng China at Center for Disease Control and Prevention ng China.

 

Ayon sa resulta ng isinagawang blood tests, 10.4% sa mga swine worker ang nahawaan ng nasabing virus.

 

Kaya pinangambahan ngayon ng mga siyentista na maaaring naipasa ang virus sa ‘human to human’ matapos itong maipasa mula sa hayop patungo sa tao ngunit wala pa umanong katibayan ang nasabing pangyayari.

 

“It is of concern that human infection of G4 virus will further human adaptation and increase the risks of a human pandemic,” ayon sa mga researchers.

 

Kaya nanawagan ang mga ito na i-monitor ang mga tao na nagtatrabaho sa babuyan.

 

“The work comes as a salutary reminder that we are constantly at risk of new emergence of zoonotic pathogens and that farmed animals, with which humans have greater contact that with wildlife, may act as the source for important pandemic viruses,” ayon kay James Woods, head ng department of veterinary medicine ng Cambridge University.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close