Mga bagong satellite na ipadadala sa kalawakan sa 2023, hinahanda na ng Pilipinas

Mga bagong satellite na ipadadala sa kalawakan sa 2023, hinahanda na ng Pilipinas

PLANO ng Pilipinas na muling magkaroon ng panibagong Earth Observation Satellite sa kalawakan sa taong 2023.

Kasunod na rin ito ng tagumpay na dala ng mga naunang ipinadalang microsatellite sa kalawakan na Diwata 1 at Diwata 2.

Ayon kay Department of Science and Technology o DOST Sec. Fortunato dela Pena, kasalukuyan nang dini-develop ang isang mas malaking Earth Observation satellite na tinaguriang MULA o Multispectral Unit for Land Assessment.

Sinasabing ang naturang satellite ay kayang kumuha ng mga operational-quality-images ng hanggang 100,000 square km na land area kada araw.

Sinabi  ni Sec. Dela Peña, ang panibagong satellite ay kasalukuyang dini-develop ng advanced satellite and know-how Transfer of the Philippines o (ASP) na kabilang sa proyekto sa ilalim ng  science agency na nagbibigay ng mga aplikasyon pang-teknolohiya.

Ang nasabing proyekto ay ipinatupad ng University of the Philippines Diliman at ng DOST-advanced Science and Technology Institute (DOST-ASTI) at sa koordinasyon ng Philippine Space Agency (PhilSA) na magbabantay sa pagkumpleto nito na inaasahang ilulunsad ngayong 2023.

Kaugnay rito, ang panibagong satellite na MULA ay magdadala ng isang true color camera na may kakayahang kumuha ng 5M resolution images na may lawak ng 120 km.

Mayroon din itong siyam na spectral band na maaaring magamit sa iba’t ibang environmental application tulad ng disaster management, land use and land cover change mapping, crop monitoring at forestry management.

Samantala, kung matatandaan nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Space Act noong Agosto 8, 2019 na ngayon ay naitatag na ito bilang Philippine Space Agency.

Habang lumagda naman ng kasunduan ang PhilSA at United Nation Outer Space Affairs upang mas mapalawak pa ang paggamit ng impormasyong pangkalawakan.

Layunin ng PhilSA na patibayin ang natural hazard management at climate change concern, national security and development at iyong tool upang maabot ang tinatawag na international cooperation kung kaya’t nakikipag-ugnayan ang PhilSA sa iba’t ibang bansa.

Inihayag ng kalihim, sa katunayan malayo na ang narating mula nang mailunsad ang Diwata-1 microsatellite sa International Space Station (ISS) noong 2016.

(BASAHIN: 8 Filipino scientists, kabilang sa Most Outstanding Researchers sa Asya)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *