US immigrants
International

Bagong polisiya ng White House, nakaaapekto sa US immigrants

INANUNSYO ni US President Donald Trump na hindi na permanente ang citizenship ng US immigrants na nakakatanggap ng food stamp, Medicaid at public welfare.

Ayon sa pangulo, upang maprotektahan ang interes ng mga American citizens, ay dapat financially capable ang mga migrante sa bansa.

Bukod pa dito ay hindi na din mabibigyan ng green card o US citizenship ang mga nakadepende sa public services ng bansa.

Ayon sa datos, nasa 22 milyong non-citizen legal residents at 10.5 million unauthorized immigrants ang tatamaan ng panukala.

Bwelta ng ilang aktibista, ay racist ang naturang polisiya at nagbanta na idedemanda ang miyembro ng kongreso na nagpanukala ng bagong polisiya.

Sa kabilang parte, ay nais lang daw ng administrasyon ni Trump na itaguyod ang kaisipan na dapat maging responsableng mamamayang ang kanilang nasasakupan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *