NCRPO
Metro

Bagong NCRPO Chief Debold Sinas, inilatag ang plano sa kanyang pamumuno

PRAYORIDAD ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang direktiba ng officer-in-charge na si Lt. Gen. Archie Gamboa at utos na rin ni Pangulong Duterte na paigtingin ang war on drugs.

Sa panayam ng SMNI News kay acting NCR Police Office Chief Brigadier General Debold Sinas, sinabi nito na mas bibigyang pansin nila ang mga high value target at pusher.

Kasama rin sa tututukan ng nasabing himpilan ang kanilang internal cleansing kaugnay sa mga police na pasaway.

Ayon pa kay Sinas, nakalatag din ang Focus Operation Against all Forms of Criminality at ang seguridad nito sa mga malalaking event sa Metro Manila.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng NCRPO sa mga stakeholders para maging mapayapa ang gaganaping SEA Games sa November 30 hanggang December 11.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *