ipinasilip
Showbiz

Bagong Miss Universe Crown, ipinasilip na sa publiko

IPINAKITA na sa publiko ang Mouawad crown na isusuot ng tatanghaling Miss Universe 2019.

Pinangalanang “Power of Unity” ang naturang korona na idinisenyo ng prestihiyosong jeweler na Mouawad.

Binubuo ang “Power of Unity” crown ng 18-karat gold vines, ivy leaves at 1, 770 diamonds at may kabuuang halaga ng 5 million dollars.

Ang centerpiece nito na 62.83 karat gold canary diamond ay nagmula pa sa Republic of Botswana sa South Africa.

Pinangunahan ang reveal ng Miss Universe 2019 crown nina Muo President Paula Shugart at CEO Pascal Mouawad kasama si reigning Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Gaganapin ang coronation night ng Miss U sa December 9 sa Atlanta, Georgia.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *