PCSO
National

Bagong general manager ng PCSO, isinapubliko ang mga plano sa ahensiya

INISA-isa ng bagong pinuno ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang kaniyang mga programang tututukan sa ahensiya.

Sa isang panayam kay GM Royina Marzan Garma, agad nitong pupulungin ang mga opisyal ng ahensiya para sa isang operations review.

Magtatakda rin si Garman ng isang feedback system sa lahat ng mga field offices sa bansa para sa usapin ng transparency.

Maglalagay din ng mga hotlines ang ahensiya para sa agarang sumbong ng mga benepisyaryo o anumang reklamo patungkol sa serbisyo ng ahensiya.

Gagamitin din ang Facebook bilang tulay para sa mga fund releases.

Sa huli, nakiusap si Garman sa kaniyang mga kasamahan na ilagay sa puso ang trabaho.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *