Bagong COVID-19 vaccine cold storage facility, pinasinayaan ng Quezon City

Bagong COVID-19 vaccine cold storage facility, pinasinayaan ng Quezon City

PINASINAYAAN ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang kanilang cold room storage facility na maaaring mag-imbak ng mga bakuna at gamit na may controlled cold temperature requirements.

Ang naturang QC cold room at storage facility ay isang 105 square meters facility na nilagyan ng medical grade walk-in freezer na binubuo ng 7 units at 1 unit wall mounted unit coolers na may kakayahang umabot sa 2 hanggang 8 degrees Celsius.

Ito ay may probisyon ng negatibong temperatura para magpalamig at mag-imbak ng mga bakunang COVID-19 gaya ng Pfizer, AstraZeneca at Sinovac.

Ang nasabing pasilidad ay mayroong digital temperature control at monitoring na konektado sa isang alarm system upang matiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga gamot.

Mayroon ding mga chest-type na freezer na nagbibigay ng mas maraming espasyo para sa mga gamot na nangangailangan ng mas mababa sa zero temperatura.

Sinabi pa ni Mayor Joy Belmonte, ito ay isang pagpapakita kung gaano kahalaga ang kalusugan ng publiko kung saan mula sa pagsubok, pag-isolate, pagbabakuna at ngayon ay ang pag-iimbak ng mga supply ng mga bakuna para sa mas mahabang buhay.

Ang pasilidad ay ang pinakamalaking cold room at storage facility sa ilalim ng pamamahala at kontrol ng isang lokal na pamahalaan at ito ay makatutulong na mapabilis ang transportasyon ng mga bakuna sa iba’t ibang lugar ng pagbabakuna sa lungsod.

Kayang i-accommodate nito ang hanggang sa 20,000 vials gamit ang ultra low freezers habang 10,000 vials sa chest type freezers at 100,000 hanggang 500,000 vials sa loob ng cold storage at ito ay magdedepende sa laki ng vial.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaang lungsod ay nakikipagtulungan sa Zuellig Pharma para sa pag-iimbak ng mga bakunang COVID-19 at sa pagtatapos ng Nobyembre ay ililipat ang ilang supply para sa COVID-19 sa QC cold room and storage facility.

BASAHIN: E-services kiosk, inilunsad ng Quezon City government

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *