itinanghal
Regional

Bacolod City, itinanghal na ‘Best Performing LGU’ ng Department of the Interior and Local Government

IGINAWAD ng Department of the Interior and Local Government sa Bacolod City ang ‘Best Performing Local Government Unit’ award ng City category.

Nangyari ang parangal sa ginanap na Excellence in Local Governance (Excell) awards sa diversion 21 hotel sa Iloilo City nitong martes.

Humalili naman kay Mayor Evelio Leonardia si DILG-Bacolod City Director Ma. Joy Maredith Madayag sa pagtanggap ng naturang award.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Madayag sa lahat ng kaniyang kapwa opisyal sa Bacolod City na nagpakita ng suporta at gumawa para sa kanilang munisipalidad.

Kabilang naman sa mga naparangalan din ng Best Performing LGU ay ang Passi City sa Iloilo bilang 1st runner-up at ang San Carlos City sa Negros Occidental bilang 2nd runner-up.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *