Regional

Babaeng pulis na tumulong mag-rescue sa ASG sa Bohol nakakulong na


Nakakulong na ngayon ang babaeng pulis na nahuling nakikipagtulungan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Bohol.
Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na may relasyon ang nasabing pulis sa isa sa mga miyembro ng ASG.
Tiyak aniyang tatanggalin sa serbisyo ang pulis na kinilalang si Superintendent Maria Christina Nobleza dahil sa pakikisama nito sa kalabang bandidong grupo.
Nilinaw naman ni Dela Rosa na hindi miyembro ng ASG ang naarestong pulis at posibleng ginamit lang ito para hingan ng tulong.
Nais ni Dela Rosa na makulong si Nobleza sa Camp Crame matapos makapagsampa ng kaso laban dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *