B.1.617 variant na unang nadetect sa India, nakapasok na rin sa Pilipinas

B.1.617 variant na unang nadetect sa India, nakapasok na rin sa Pilipinas

NASA Pilipinas na rin ang COVID-19 B.1.617 variant na unang na-detect sa India.

Sa press briefing, kinumpirma ni Health Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may natukoy nang dalawang kaso ng India coronavirus variant sa bansa.

Ayon sa DOH, ang 2 COVID-19 patients na may India variant ay 37-anyos na lalaki na isang seaman na dumating sa bansa mula Oman noong Abril 10 habang ang isa ay 58-anyos na seaman na dumating sa bansa mula United Arab Emirates noong Abril 19.

Sinabi ng DOH na nakarekober na ang dalawang pasyente at kasalukuyang asymptomatic.

Dagdag pa ni Vergeire, ang 2 pasyente ay kabilang sa limang pasahero mula India na nagpositibo sa COVID-19 nang dumating sa bansa bago ang ipinatupad na travel ban.

Samantala, variant of global concern na ang Indian variant ayon sa World Health Organization (WHO).

Ayon kay WHO Technical Lead on COVID-19 na si Maria Van Kerkhove, lumalabas na mas nakahahawa pa ang naturang variant.

Kahapon, nasa 366,161 ang bagong kaso at 3,754 ang mga nasawi sa India.

Pinaniniwalaan ng public health experts, sa kabila ng mataas na bilang na ito, undercounted pa ang mga kasong naitatala.

Samanatala, bukod sa COVID-19, ikinababahala rin ng medical experts ang umuusbong na kaso ng fungal infection na target naman ang mga nakarekober na sa naturang virus.

(BASAHIN: Indian COVID-19 variant, itinuturing na variant of global concern ng WHO)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *