Ayuda at COVID care kit ipinamahagi para sa mga apektado ng house lockdown sa Naga

Ayuda at COVID care kit ipinamahagi para sa mga apektado ng house lockdown sa Naga

UPANG makatulong sa mga kababayang nagpositibo sa sakit na COVID-19, ang lokal na pamahalaan ng siyudad ng Naga ay namigay ng ayuda at COVID care kit para sa mga na-house lockdown na mga kababayan.

 

 

Naghatid ng tulong ang gobyerno lokal ng Naga sa mga kababayang apektado ng house lockdown dahilan para hindi makapag hanapbuhay ang mga ito.

Maliban sa ayudang food packs, namigay din ang siyudad sa mga residenteng kasalukuyang napapasailalim sa house lockdown ng COVID care kit. Nilalaman ng kit na ito ang mga suplay na bitamina, disinfectants, facemasks at digital thermometer para sa regular na pag-check ng temperatura ng katawan at ang pulse oximeter para sa pagmomonitor ng kondisyon ng isang indibidwal kung sakaling merong karamdaman tulad ng sakit sa puso, sakit sa baga, asthma at iba pa.

Personal na iniaabot ni Mayor Nelson Legacion, mga contact tracers at ilang mga tauhan ng City Hall ang mga ayuda at mga COVID care kits sa mga apektadong mga pamamahay.

Samantala, muling nakapagtala ng 20 aktibong kaso nitong nakaraang araw ang lungsod, ika -11 ng Mayo 2021 kung saan 2 rito ay mga medical health workers at 5 mga senior citizens.

Sa kabuuhan, umabot na sa 361 ang bilang ng mga aktibong kaso kasali na ang 20 bagong kaso nitong nakaraang araw,1480 ang kumpirmadong kaso,1,080 ang nakarekober na at 39 ang binawian ng buhay.

(BASAHIN: DepEd Naga, nangako ng mas magandang serbisyo para sa mga Nagueño)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *