National

Avian influenza at posibleng epekto nito sa tao, mahigpit na pinababantayan

WoodProfit

INATASAN ngayon ang Department of Agriculture (DA) na palakasin ang koordinasyon nito sa ilang ahensya ng gobyerno sa gitna ng ulat na bird flu o avian influenza sa isang poultry farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga.

 

Ito ay alinsunod sa inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases na pagbuhay sa National Avian Influenza Task Force (NAITF) upang mapangasiwaan ang mga outbreak sa pamamagitan ng multi-agency coordination at collaboration.

 

Nakasaad sa IATF Resolution No. 60 na binigyan ng direktiba ang DA na palakasin ang pakikipag-ugnayan nito sa Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang mga concerned local government units (LGUs).

Ito ay upang patuloy na mamonitor at mabantayan ang avian influenza A (H5N6) at ang posibleng epekto nito sa tao.

 

Sa ilalim din ng resoulsyon, paiigtingin din ang information campaign na ang chicken meat at itlog ay ligtas kainin kasama rin ang istriktong pagpatutupad ng good animal husbandry practices.

 

Hinimok naman ang publiko na agad iulat ang poultry mortalities sa kanilang mga lokalidad, sa DA regional offices o DA-Bureau of Animal Industries.

PHOTO JOB

Kung maalala, ipinagbigay-alam ng Department of Agriculture ang kaso ng H5N6 avian influenza sa San luis, pampanga kung saan nasa mahigit 38, 000 manok na ang napabalitang pinatay para mapigilan ang paglaganap pa ng naturang sakit.

 

SMNI NEWS

 

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close