Avengers cast na si Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19

Avengers cast na si Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang British Actor at Avengers cast na si Idris Elba.

Ayon sa kanyang Twitter account, sinabi nito na hindi siya nakaranas ng sintomas ng COVID-19 na kalaunan ay nagpositibo rin ito sa virus.

Dagdag nito na sumailalim siya sa testing matapos madiskubre na ang isa sa kanyang nakasalamuha ay nagpositibo sa nasabing sakit.

Dahil dito ay agad niyang inihiwalay ang sarili sa kanyang pamilya at sa ibang tao para hindi na makahawa pa.

Sa ngayon ay nasa quarantine procedures na ang aktor.

Si Idris Elba gumanap bilang Norse God Heimdall sa sikat na pelikulang The Avengers: Infinity War.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *