Australian government
National

Australian government, nagbabala sa kanilang mga kababayan sa pagbiyahe sa Mindanao

NAGBABALA ang Australian government sa kanilang mga mamamayan sa pagbiyahe sa Central at Western Mindanao.

Sa pinakabagong travel advisory ng Australia, pinaalalahan nito ang kanilang mga kababayan na kung maaari ay umiwas na bumiyahe sa Southern Philippines partikular na sa Zamboanga at Sulu dahil sa mataas na banta ng kidnapping, terrorist attacks at bakbakan sa nasabing mga lugar.

Nakasaad din sa advisory ang pagpapaalala sa mga Australian na nasa ilalim ng Martial Law ang Mindanao at mahigpit ang isinasagawang seguridad dito.

Pinayuhan din ng Australia ang kanilang mga residente na nasa iba pang lugar sa Pilipinas na maging alerto dahil sa mataas na banta ng terrorist attack sa bansa kabilang ang Maynila.

Habang pinaiiwas ng Australian government ang mga ito na lumahok sa political rallies o anumang kilos-protesta na iligal sa mga dayuhan.

Nagpayo rin ang mga ito laban sa mga bagyo na maaring dumating hanggang sa Disyembre.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *